About Me

Recent Posts

Pages

Mga Iba Pang Mga Itlog:

Ang Pinay Blogkaster


Ezraulo


Ang Pinay Blogkaster

Blogroll

Archives

Categories

UserOnline

Subscribe

No auctions found
Sorry, we seem to have sold out of everything we had!
Powered by WP Auctions

Spam Blocked

Most Voted Posts

Wall

» Leave a reply



Mga nagparamdam:

Nov

Hit na hit ngayon ang Koreanovelang “My Husbands Woman”.  Kahit ako na hindi mahilig sa ganitong drama napapatigil, marahil sa mga linya ng mga character na sina Gisselle, Cassandra at ng idolo ng mga kalalakihan na si Jerry.

Bawat linya kasi tumatagos sa puso para bagang panahon nila Nora,Vilma at Sharon.

“Di ba pagmahal mo ang isang tao bibigyan mo sya ng anak?” - Cassandra

“Patawarin mo ako, pero iiwan na kita”- Jerry

 Pero saan nga ba hinuhugot ng mga writer kapag nagsusulat sila ng ganitong katalas na mga linya?

Sa personal na mga experience siguro o mga naitatagong damdamin…

Pero kung ako ang tatanungin at kung mabibigyan ng pagkakataon sa mga bagay ako kukuha ng gusto kong mga linya… Sa tingin ko baka mapakamot pa si Shakespeare o kaya naman si Homer dahil sa mga simpleng bagay, may malalalim na linyang pwedeng bitawan.

(Linya sa Eksena ng Asawang niloko)

Asawang Babae :“Pinapaikot mo lang ako! Nagsasawa na ako! Mabuti pang patayin mo na lang ako!”  - electric fan

Lalake: Alam mo ba wala akong ibang hinangad kundi ang mapalapit sayo. Pero
patuloy ang pag-iwas mo
” - ipis

Babae: “Hala! Sige magpakasasa ka! Alam ko namang katawan

                           ko lang ang habol mo.” - hipon

Lalake:  “Hindi ko hinahangad na ipagmalaki mo na ako’y sayo. Ayoko ko lang naman
 na sa harap ng maraming tao ganun mo na lang ako itanggi..”
  - utot

Babae: Ginawa ko naman lahat para sumaya ka. Mahirap ba talagang makontento sa isa? Bakit palipat-lipat ka?” -TV

 

Lalake: “Pilitin mo man na alisin ako sa buhay mo, babalik at babalik ako! – libag

Babae: Wag mo na akong bilugin“- kulangot

Lalake: Ayoko na! Pag nagmamahal ako lagi na lang maramingtao ang nagagalit! Wala ba akong karapatang magmahal?!?”  -gasolina


Babae: “Wala naman ako ginagawa sa iyo.Hindi na nga ako gumagalaw dito. Ako na ang natapakan, ikaw pa ang galit! Sige Goodbye!” -tae

Iba pang one liner


“Hindi lahat ng green ay masustansya. ”
- plema
 
“Sawang sawa na ako palagi nalang akong pinagpapasa- pasahan, pagod na pagod na ako” -
bola
 
 “You never know what you have till you lose it.And once you lose it, you can never get it back” -
snatcher
 
“Hindi lahat ng maasim may vitamin c -
kili kili
 
 “Sige, batihin mo ako….Sigeee….. BATEEEEEE!!! !!!!!  -
omelette
 
“Paano tayo makakabuo kung hindi ako papatong sa iyo?” -
lego

“Hindi lahat ng dugo pwedeng idonate”  -
regla

Hanggan sa muling pagsusulat ng drama….Ingats

Share This Post
Post tags:

Sep

Pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na coverage, may isang kakaibang “experience” ang hinahanap-hanap ko at ng aking camera crew….

Ang haplos ng isang babae…

Mas mainit o umaalab o kaya naman mas madiin mas hindi namin nakakalimutan ang “experience” namin sa babaeng iyon sa bawat lugar o probinsyang aming napupuntahan…

 Dahil madalas kaming nadedestino sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, halos natikman na namin gaano kasarap ang mga hawak ng isang babaeng Ilocano, Manilenyo, Bisaya, Ilonggo Waray o kahit pa ang mga babae sa dulo ng isla ng Mindanao…

Pero bago pa man dumumi ang ating isipan at tuluyan ng pagdudahan ng mga asawa ng crew at ng aking katipan…hindi pagtatalik o maduming gimik ang aking nais itumbok….kundi ang madiin, masarap at maiinit na hagod ng masahe na aming nasubukan sa buong kapuluan ng Pilipinas….

Hay…Masahe…isa sa mga gustong-gusto kong ipagawa sa katawan ko…at hindi matatapos ang isang Linggo kung hindi ko naeexperience ito….

Siguro nasanay ako sa masarap na hilot ng aking Lola na taga-Romblon at sa Barbero style massage ng aking ama na taga-Tarlac….

Well…Sa lahat ng lugar na aking napuntahan ito ang mga Worst at the Best Massage Parlor o Spa (sa mga sosyal) na akin nang nasubukan. I-rank natin sila 10 being the highest.

LUZON

Baguio City – Dito sa Pine City nadiscover namin ni Ezra ang “Spa de Soleil” (9 to mga pre). Malapit ito sa Rotonda katabi ng Starwood Hotel at Petron gas station. Masarap subukan dito ang “Balineese Massage” kumbinasyon ito ng iba’t ibang masahe–shiatsu,swedish,thai at jiu jitsu (yah!) Sa halagang P700 pesos sulit ang 1 hour and 15 mins. na masahe.  May umuusok na aroma essence pa na tinututok sa mukha.Tumulo ang laway ko dito dahil nakatulog ako. Meron din silang “Cleopatra Bath”. Ito ang susubukan ko pagbalik sa Baguio matatanggal daw kasi ang mga dead cells ng katawan mo sa paligong ito.

Taytay, Palawan Sa first class resort ng “Club Noah” (8 to mga tol) na experience ko ang masahe na ginagamitan ng Honey at Gumamela…Pagkatapos ng swimming,trecking,at snorkeling sa paraisong ito tanggal ang pagod sa Honey at Gumamela massage (P800). Dinikdik yung gumamela at hinalo sa honey, nakakatanggal daw ito ng dead cells.  Maging ang kasama ko noon sa shoot na si Miriam Quiambao nagustuhan ang masahe sa Club Noah.

Tagaytay, Batangas Medyo sakto lang ang naging experience ko sa “Ton Tons Thai Massage” (5 lang).  Wala kasing linalagay na oil o kahit ano mang pangpainit o pangpadulas sa katawan.  At dahil Thai massage, more sya sa stretching rather than sa hagod.  Meron din silang branch sa Timog Q.C. at sa East Ave.

Bisayas

Boracay Island, Aklan - White Bldg. na Massage house (9 na lang dapat 10 sana….), nakalimutan ko na ang pangalan ng masahihang ito pero nasa Station 2 sya sa 2nd floor ng isang puting bldg na natatakpan ng putting kurtina.  Solve na solve sana kaya lang common room lang ito, ibig sabihin parang orgy ng masahe.  Dahil common room at bahala na kung sinong masahista ang available, dito ako unang nakasubok na lalaki ang nagmasahe sa akin at ok naman.Matigas ang pagpiga sa kasukasuaan pero mas ok dahil siguradong tanggal ang lamig…. Bonus pa ang mga extra site seeing…Kung gusto mo makakita ng mga pwet ng mga Koreana dito maganda magpamasahe.

Cebu City – Sa Nuah Thai Massage (10 to sa sobrang haba ng oras) sa Gorordo St. sa Cebu sulit na sulit ang P450 pesos na 2 oras na masahe.  Hindi sya thai na puro lang stretching pwede mong irequest na puro hagod mula sa pinky ng iyong paa hanggang sa ear lobes.  Pumapangalawa sa Cebu ang “Yoga Massage Parlor”(8 lang) astig din dito kaya lang natatabunan sya ng Nuah Thai dahil sa presyo at sa pagiging sulit ng masahe.

Mindanao

 Dipolog City -  Kakaiba ang naging experience ko at sa Dipolog sa Ejera Massage P150 lang ang isang oras.  Napaka-“Cheap”!(as in cheap) sa bulsa.Ppero matapos ang 15 minuto napagod na ang aking masahista.  At ng maramdaman ko na tumigil na sya sa kakapindot sa aking likod tumingin ako sa kanya…At ang unang mga salitang lumabas sa kanyang bibig…”Ser i-masterbit na lang kita, adisyunal P300”.Hanep Extra serbis. Hindi na uy! Sa gaspang ng kamay baka mabalatan pa ang hindi dapat mabalatan.

Manila

Corinthian Spa, Libis Q.C.(10 Perfect) – P1200 ang presyo ng foot and body massage dito—2 oras! Mahal pero worth naman pagipunan.  Sa isang oras na foot spa pwede kang manood ng DVD sa kanilang wide screen TV habang umiinom ng libreng ice tea.  Hindi ko na sya madescribe ng todo basta puntahan nyo ito!

Aspen Spa, Brickroad Sta.Lucia Marikina (10 din!) – Kasing sarap din ng Corinthian Spa.  May binebetang brochure na pwede ka magkaroon ng 50% discount…so ang P1000 na masahe, 500 na lang.

Metrolane Spa, Kamias Quezon (8) - P200 pag hindi peak hours. Ok lang paggustong makatipid

Wen Sha (tama ba?) (9)– Libre buffet! Kaya lang beware sa mga matang nakatitig habang nagsha-shower ka! Halos marami kasing mga faggots na nagmamanman sa hubad mong katawan.

Hay masakit na ang mga daliri ko kakatype ng blog na ito. Kailangan ng ilagatok ng favorite kong manang at ateee. At kung short walang mas-sasarap pa sa hilot ng pagmamahal ng aking sinta.

Share This Post
Post tags:

Sep

Sa isang coverage sa isla ng Malapascua sa Cebu isang mahalagang bagay ang natutunan ko kay Howie Severino bilang isang mamamahayag o sa isang pagiging journalist. Ito ay ang pagsulat sa isang journal.  Ayon kay Howie mahalaga raw ang bawat reporter daw ay dapat magsulat sa kanilang journal lalu pa sa mga coverage na mahirap, malayo at kakaiba.  Ito raw kasi ang mga informasyon na pwede mong balikan kapag muli kang pupunta sa lugar na iyong kinover…. Ang mga pagbabago o mga ang before and after ng isang lugar pati na ang mga taong iyong nakasalimuha…

Pero sa pitong taon ko sa media hindi ako nagkaroon ng isang “Reporters Notebook”…

Bagamat wala ako nito sa tingin ko meron naman akong masmakapangyarihan sa ballpen at papel… ito ay ang mga larawan sa lahat ng coverage na aking napuntahan.

Noong ako ay nasa kolehiyo itinuro sa akin sa aming school paper na may dalawang uri ng larawan.. Una ang larawan na nagdedescribe sa storya at Pangalawa ang larawan na nandoon na mismo ang kwento…

Maswerte ako dahil ang pagkuha ng litrato ay naging buhay ko na rin…Iba kasi pagnacacapture mo sa iyong lente ang bawat ngiti at maging mga dalamhati…Sabi kasi ang lente hindi nagsisinungaling…at kahit kapalastikan nakikita …

Pero ngayon dahil sa impluwensya ng aking kaibigan na si Pinay Brodkaster mapagsasabay ko na ang panitik at ang mga larawan ko…

Welcome nilagangitblog sa bawat pitik ng aking buhay.

Share This Post
Post tags:

This blog contributes to the web with Nofollow Reciprocity.